Mga telebisyon, LCD monitor, at plasma monitor hangga't hindi sila lumalampas sa 21 pulgada. Tandaan: hindi mo puwedeng dalhin ang mga monitor at telebisyon na may mga cathode ray tube.
Ang Lumilibot na Sentrong Pangkapaligiran (Mobile Environmental Centre o CAM) ay lumilibot na sentro ng pagre-recycle kung saan mo puwedeng dalhin ang Elektrikal at Elektronikong Basura (Electrical and Electronic Waste o WEEE) at iba pang uri ng basura.
Puwede mong dalhin ang tatlong uri ng basurang WEEE sa CAM:
Mga telebisyon, LCD monitor, at plasma monitor hangga't hindi sila lumalampas sa 21 pulgada. Tandaan: hindi mo puwedeng dalhin ang mga monitor at telebisyon na may mga cathode ray tube.
Mga tipid-sa-kuryenteng bulb ng ilaw, neon, fluorescent na lampara, LED na lampara.
Mga mobile phone, computer, printer, elektronikong laro, vacuum cleaner, toaster, hairdryer, bentilador, alarm clock, pang-ahit, navigator, maliliit na elektronikong instrumentong pantugtog, audio-video na kasangkapan, kasangkapang pang-ilaw, kagamitan sa pangangalaga ng katawan at lahat ng maliliit na elektronikong kagamitan sa pangkalahatan.
Maaari ka ring magdala ng langis ng gulay at mineral, mga toner, mga printer cartridge at mga spray can na may label na mga mapanganib na materyales.