Binibigyang-priyoridad namin ang mga kalsadang may trapikong maraming sasakyan.
Kapag may tungkol sa panahon at niyebe na babala, pinapagana namin ang lahat ng operasyon para sa pagsasaayos ng trapiko ng sasakyan at pedestrian na itinatakda sa plano sa operasyon para sa kagipitan kaugnay ng niyebe. Sa pakikipagtulungan sa Munisipalidad ng Milan, tinutukoy namin ang uri ng operasyon at timing batay sa ulat. May nakalaan kaming serbisyo sa pag-uulat ng panahon para makapagsagawa ng napapanahong aksyon sa panahon ng niyebe sa Milan.
Sa panahon ng kagipitan, isinasagawa ang mga operasyon sa paglilinis ng niyebe, gamit ang mga salt spreader at snowplough, gayundin ang mga mano-manong pagsasaboy ng asin at operasyon ng paglilinis ng niyebe, sa mga sumusunod na urban na lugar:
Binibigyang-priyoridad namin ang mga kalsadang may trapikong maraming sasakyan.
Nagsasagawa kami ng kagyat na aksyon sa mga kalsadang nagpapahintulot na marating ang maseselang lokasyon (mga pagamutan, site ng pampublikong transportasyon, paaralan, atbp.)
Nililinis namin ang mga bangketa sa harap ng mga pampublikong gusali o mga gusaling mahalaga sa publiko (mga pagamutan, simbahan, ATM, atbp.).
Nagsasagawa kami ng aksyon para isaayos ang mga lugar na tinalaga bilang mga pampublikong pamilihan.
Nagsasagawa kami ng aksyon sa mga kalsada sa mga pampublikong parke at garden ng lungsod, sa pangunahin sa mga kalsadang patungo sa mga aktibidad na mahalaga sa publiko.
Depende sa nagaganap na mga lagay ng panahon, kumikilos kami sa iba't ibang paraan:
Paano at saan kami nagsasagawa ng aksyon: Nagtatalaga kami ng mga salt spreader sa mga overpass, subway at flyover.
Ano ang dapat mong gawin: Magsaboy ng mga materyales pangontra sa dulas sa mga bangketa gaya ng asin, buhangin at kusot (*).
(*) Art. 26 at 27 ng Mga Regulasyon ng Pulisya sa Kalunsuran (Urban Police Regulations) at Art. 36 ng Mga Regulasyon sa Basura (Waste Regulations) ng Munisipalidad ng Milan
Paano at saan kami nagsasagawa ng aksyon: Gumagamit kami ng mga espesyalisadong sasakyan at tauhan para magsaboy ng asin sa mga access road sa lungsod, sa mga tawiran ng pedestrian, sa harap ng mga paaralan, pagamutan at sakayan ng pampublikong transportasyon, at pagkatapos sa iba pang bahagi ng lungsod.
Ano ang dapat mong gawin: Linisin ang niyebe sa mga bangketa sa pamamagitan ng paglikha ng daanan ng mga pedestrian (*).
(*) Art. 26 at 27 ng Mga Regulasyon ng Pulisya sa Kalunsuran (Urban Police Regulations) at Art. 36 ng Mga Regulasyon sa Basura (Waste Regulations) ng Munisipalidad ng Milan
Paano at saan kami nagsasagawa ng aksyon: Nagtatalaga kami mga snowplough, skid-steer loader, asin at mga tauhang nag-aalis ng niyebe at, kung kinakailangan, iba pang tauhan para sa mga kagipitan sa mga access road ng lungsod, sa mga tawiran ng mga pedestrian, sa harap ng mga paaralan, pagamutan at sakayan ng pampublikong transportasyon, at pagkatapos ay sa iba pang lugar sa lungsod.
Ano ang dapat mong gawin: Ipunin ang niyebe sa gilid ng kalsada nang hindi nasasakop ang daanan ng sasakyan at nang hindi nababarahan ang kanal at drenahe (*).
(*) Art. 26 at 27 ng Mga Regulasyon ng Pulisya sa Kalunsuran (Urban Police Regulations) at Art. 36 ng Mga Regulasyon sa Basura (Waste Regulations) ng Munisipalidad ng Milan
Paano at saan kami nagsasagawa ng aksyon: Nagtatalaga kami mga snowplough, skid-steer loader, asin at mga tauhang nag-aalis ng niyebe at, kung kinakailangan, iba pang tauhan para sa mga kagipitan sa mga access road ng lungsod, sa mga tawiran ng mga pedestrian, sa harap ng mga paaralan, pagamutan at sakayan ng pampublikong transportasyon, at pagkatapos ay sa iba pang lugar sa lungsod.
Ano ang dapat mong gawin: Iwasang maipon ang niyebe sa mga bubungan. Alisin ang mga nakabitin na yelo sa mga alulod at ambi.