Skip to contentSkip to bottom of the pageSkip to top of the page

Paglilinis ng kalsada

  • Uri at dalas
  • Uri at dalas ng mga operasyon

Ang ginagawa namin

Nililinis namin ang mga kalsada ng Milan, na nagbibigay-galang sa mga prinsipyo ng circular na ekonomiya at mga pangangailangan ng trapiko

Ang paglilinis ng mga kalsada at mga urban na lugar ay hinihimok ng aming dedikasyon na protektahan ang kapaligiran ngayon at bukas. Sa dahilang ito, pinoproseso ang nakokolektang basura sa plantang nagpoproseso ng mga basura mula sa pagwawalis sa Milan, ang Via Silla, para makagawa ng buhangin at graba na may mga napakataas na pamantayan sa kalidad para sa paggamit sa konstruksyon at sertipikado ayon sa mga pamantayan ng UNI.

Uri at dalas ng mga operasyon

Nangangailangan ang bawat urban na lugar ng mga partikular na pamamaraan na angkop sa kanilang iba't ibang kalagayan

Inipon namin sa ibaba ang lahat ng mga uri ng mga serbisyo sa paglilinis na ginagamit namin sa inyong lungsod. Para sa bawat isa, makikita mo ang dalas ng operasyon. 

Paano isinasagawa ang paglilinis

Pamalagiang umuunlad ang mga pangangailangan ng Milan sa trapiko at paglilinis

Kinakailangan sa amin ang pamalagiang magpapabuti ng aming mga pamamaraan at mga ginagamit naming kasangkapan sa Paglilinis ng mga kalsada at mga urban na lugar. Nagsisikap kami na laging nasa unahan para matugunan ang mga bagong pangangailangan ng mga lungsod at mga bagong oportunidad na inihahain nila sa mamamayan.

Komprehensibong pagwawalis

Paglilinis at paghuhugas ng mga kalsada at bangketa gamit ang sistemang "Sweepy-Jet": isang mahaba at matigas na tubo na may pressurized na tubig na karapatang-ari ng Amsa na ginagawang posible ang paglilinis kahit ng ilalim ng mga nakaparadang kotse, na umiiwas sa mga paghihigpit sa pagpaparada. 

Tagawalis sa lugar

Pamalagiang presensya ng isang operator na may trolley para mapanatili ang kalinisan sa mga lugar na mala-sentro at nasa laylayan kung saan maraming komersyal na negosyo at trapikong maraming pedestrian at bisikleta.

Maigting na pagwawalis

Mekanisadong paglilinis at paghuhugas sa gabi ng mga daanang katabi ng bangketa na may mga rutang pinoprotektahan ng mga paghihigpit sa pagpaparada.

 

Pinong pagwawalis

Mekanisado at mano-manong paglilinis ng mga daanan at bangketa.

Pag-aalis ng laman ng mga lalagyan

Pag-aalis ng laman ng mga lalagyan sa lugar at pag-aalis ng basura sa kalapit ng mga ito. Inaalisan ng laman ang bawat basurahan nang isang beses sa isang araw man lang.

Paglilinis ng bangketa

Mekanisadong paglilinis ng bangketa at plaza na tinukoy bilang kritikal.

Paglilinis ng mga tunnel at daanang may bubong

Mekanisadong paglilinis ng mga tunnel at daanang may bubong sa sentro ng lungsod.

Paglilinis ng mga hilera ng puno

Mano-manong paglilinis sa gabi ng mga pangunahing hilera ng puno sa mga kalsada sa lungsod na may mga paghihigpit sa pagpaparada.

Koleksyon ng dahon

Pag-aalis ng mga dahon mula sa mga daanan.

Skip to top of the page