Itapon sa dilaw na lalagyan tanging ang malilinis na damit at accessory na nasa mabuting kondisyon lang. Mahalagang nababalot ang mga ito ng mga selyadong bag.
Kinokolekta namin ang iyong mga gamit na damit, sapatos at accessory na nasa maayos na kondisyon para sa muling paggamit o pag-recycle. Pinamamahalaan ang serbisyong ito ng Amsa at ng Munisipalidad ng Milan sa pakikipagutlungan sa mga kooperatibang Vesti Solidale at Città e Salute.
Puwede mong itapon ang mga damit mo gamit ang isa sa 400 dilaw na basurahan sa lugar. Para sa maayos na paghihiwalay ng hiwa-hiwalay na basura, sundin ang mga sumusunod na simpleng tuntunin:
Itapon sa dilaw na lalagyan tanging ang malilinis na damit at accessory na nasa mabuting kondisyon lang. Mahalagang nababalot ang mga ito ng mga selyadong bag.
Hindi namin puwedeng kunin ang mga punit-punit o sobrang nasirang damit. Sa ganitong kalagayan, itapon ang mga ito sa transparent na neutral na bag para sa koleksyon ng tira-tirang basura (hindi naaayos).
Nagsisikap kami sa pakikipagtulungan sa Vesti Solidale at Città e Salute para kontrolin ang buong proseso ng muling paggamit o pag-recycle ng mga gamit na damit at accessory.
Ibinebenta ang mga damit na nasa maayos na kondisyon sa mga panlabas na kompanya na dalubhasa sa sektor na nag-aayos ng mga ito para sa muling paggamit o pag-recycle para gawing sinulid at iba pang kapaki-pakinabang na materyales.
Ipinagbebenta ang mga damit na nasa pinakamaayos na kondisyon sa SHARE shops.
Gamit ang kita mula rito, sumusuporta ang mga kooperatibang Dona Valore sa mga panlipunang proyekto sa lugar: mga komunidad, bahay-kalinga, serbisyo sa mga taong may sikolohikal na problema, menor-de-edad, matatanda, nahihirapang pamilya, at refugee.