Ang koleksyon ng ire-recycle sa Pero ay isinasagawa nang “door-to-door”. Ibukod nang tama ang basura at ilagay ito sa mga naaangkop na lalagyan (mga bag at basurahan) upang maipadala ito para sa pagre-recycle o pagkuha muli. Tingna ang kalendaryo ng koleksyon upang malaman kung kailan namin kokolektahin ang bawat uri ng basura.
Lagi naming isinasagawa ang pangongolekta sa umaga. Hinihilingan ka naming ilabas ang iyong basura mula 10 p.m. sa araw bago ang koleksyon hanggang 6 a.m. sa araw ng koleksyon.
Kung nakatira ka sa isang single-family house o sa isang gusaling walang lalagyan ng basura puwede kang humiling ng bagong lalagyan o puwede mong palitan ang luma sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe.
Maaari kang humiling ng lalagyan para sa mga nagamit nang sanitary towel at lampin kung mayroon kang mga anak na may edad na hanggang 36 na buwan, matatandang higit sa 75 taong gulang at/o mga may kapansanang miyembro ng iyong pamilya sa pamamagitan ng pagpapadala sa amin ng mensahe. Dapat mong tukuyin ang pangalan, apelyido, petsa ng kapanganakan, at tirahan ng benepisyaryo sa bahagi ng mga talaan.