Ang koleksyon ng ire-recycle sa Saronno ay isinasagawa nang “door-to-door”. Ibukod nang tama ang basura at ilagay ito sa mga naaangkop na lalagyan (mga bag at basurahan) upang maipadala ito para sa pagre-recycle o pagkuha muli. Tingna ang kalendaryo ng koleksyon upang malaman kung kailan namin kokolektahin ang bawat uri ng basura.
Lagi naming isinasagawa ang pangongolekta sa umaga. Hinihilingan ka naming ilabas ang iyong basura mula 7:30 p.m. sa araw bago ang koleksyon hanggang 6 a.m. sa araw ng koleksyon.
Puwede kang humiling ng mga lalagyanr ng basura sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin na nakasaad sa “Form ng Kahilingan para sa Lalagyan” (Container Request Form) na matatagpuan sa seksyon ng “Mga Dokumento.”
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa:
Freephone number: 800 332299 - Service Manager
Tel. 02/96710.221-.225-.226 - Serbisyong Pangkapaligiran ng Lungsod ng Saronno