Alisin ang anumang latak ng pagkain mula sa gamit na mantika, kung mainit ito, palamigin ito
Ang tirang mantikang mula sa gulay, kapag nakolekta nang maayos, ay puwedeng ma-recycle: ilang simpleng hakbang lang ang kailangan para protektahan ang kapaligiran at maiwasan ang pagtatapon sa lababo.
Sa pamamagitan ng mga nakalaang lalagyan sa mga kalahok na supermarket, mga sentro ng pag-recycle o Lumilipat na Sentrong Pangkapaligiran (Mobile Environmental Center), puwede kaming mangolekta ng mga mantika at langis mula sa pagpiprito at paghahanda ng pagkain at mantika mula sa delatang pagkain (tuna, mga kabute, atbp.).
Hindi puwedeng ilagay sa mga lalagyan ang mga pinaghugasang tubig, synthetic na motor oil, o mga tira-tirang pagkain.
Narito ang ilan sa aming mga tip para sa koleksyon ng hiwa-hiwalay na basura ng gamit na mantika:
Alisin ang anumang latak ng pagkain mula sa gamit na mantika, kung mainit ito, palamigin ito
Ibuhos ang pinalamig na mantika sa mga plastik na bote (di tataas pa sa 2 litro) at takpan nang mahigpit
Hanapin ang pinakamalapit na lalagyan sa iyo at ilagay dito ang mga boteng pinunan mo
Naglagay kami ng mga nakalaang lalagyan sa mga sumusunod na mga pasilidad sa lugar:
We have compiled the participating points of sale below: